-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni US President Joe Biden ang pagbibigay nito ng tulong sa Ukraine.

Sinabi nito na ang mga tulong na ibinibigay ng US sa Ukraine ay hindi isang pananakot laban sa Russia.

Nais lamang suportahan ng US ang Ukraine para maipagtanggol nito ang soberanya ng nasabing bansa.

Kasabay din nito ay inanunsiyo ng US President ang pagbibigay nila ng 31 na M1 Abrams tanks na ito ang nangungunang tangkeng pandigma ng US.

Inirekomenda mismo ni US Defense Secetary Lloyd Austin ang hakbang para mapalakas ng Ukraine ang pagtatanggol ng kaniyang teritoryo.