-- Advertisements --
Ipinag-utos ni US President Joe Biden ang paglalagay sa half-mast ang kanilang watawat sa lahat ng pampublikong gusali at lugar sa US.
Ito ay kasunod ng nangyaring madugong pamamaril sa isang Robb Elementary School sa Uvalde, Texas na ikinasawi ng 14 na mag-aaral at isang guro.
Magsisimula ito ngayong Mayo 25 hanggang Mayo 28 ang paglalagay sa half-mast ng kanilang watawat.
Magugunitang nasawi rin ang suspek sa pamamaril sa nasabing paaralan matapos na ito ay makasagupa ng mga otoridad.