Itinalaga ni US President Joe Biden si Karine Jean-Pierre bilang White House press secretary.
Papalitan nito si Jen Psaki na nakatakdang umalis sa kaniyang puwesto sa darating na Mayo 13.
Si Jean-Pierre ay naging principal deputy press secretary at naging assistant to the president.
Ayon kay Biden na mayroong sapat na talento at integridad ganun din ang may matagal ng karanasan sa communication sa administrasyon ni Biden.
Matagal na rin aniya kilala ng US President at asawa nitong si Jill si Jean-Pierre kung saan magiging malakas ito bilang boses ng kaniyang administrasyon.
Pinasalamatan din ni Biden si Psaki dahil sa pagbabalik nito ng standard ng decency, respect at decorum sa briefing room ng White House.
Itinuturing na si Jean-Pierre ay magiging unang black at out LGBTQ person na uupo bilang press secretary ng White House.