-- Advertisements --
Inakusahan ni US President Joe Biden ang Russia ng paglabag sa mga panuntunan ng United Nations.
Sa kaniyang talumpati sa UN General Assembly sa New York, binatikos nito si Russian President Vladimir Putin dahil sa pagsisimula ng giyera sa Ukraine.
Ang Ukraine ay tinutulungan ng 40 UN member para malampasan ang ginagawang paglusob ng Russia.
Nanawagan ito sa mga miyembro ng UN na dapat bantayan ang mga banta na ginagawa ng Russia lalo na ang nuclear threat.
Pagtitiyak nito na siniseryoso ng US ang anumang banta ng Russia laban sa Ukraine.