-- Advertisements --
Pinasalamatan ni US President Joe Biden ang nagbitiw na si British Prime Minister Liz Truss dahil sa pagiging partner ito sa anumang isyung ibinabato.
Ayon sa US President na mananatiling hindi magbabago ang relasyon ng US at UK.
Ilan sa mga isyung tinukoy nito ay ang pagsasama nila sa paglaban sa ginawang paglusob ng Russia sa Ukraine.
Iginagalang din aniya nito ang desisyon niya na magbitiw sa puwesto.