-- Advertisements --

Itinuturing si Presumptive President Joe Biden bilang kauna-unahang presidential candidate na nakakuha ng mahigit 80 milyong boto sa buong kasaysayan ng Estados Unidos.

Sa huling tala, mayroon ng 80,011,000 votes si Biden habang 73,800,000 ang kay President Donald Trump. Inaasahan naman na si Trump ang kandidato na may second-highest number ng popular votes sa buong eleksyon ng Amerika.

Nagpapatunay lang daw ang record-breaking number of votes ni Biden sa kagustuhan ng mga Amerikano na palitan na si Trump bilang pangulo ng Amerika.

Sa ngayon ay hinihintay pa rin ng buong mundo ang pag-concede ni Trump sa halalan kahit pa nagsisimula na ang kaniyang administrasyon sa pormal na presidential transition makaraang kilalanin ng General Services Administration ang panalo ni Biden noong Lunes.

Nagsimula na rin ang ilang estado na sertipikahan ang kanilang election results, kasama na rito ang Pennsylvania at Nevada, na katatapos lamang noong Martes.