-- Advertisements --
image 118

Dumipensa si US President Joe Biden sa plano nitong pagpapadala ng kontrobersiyal na cluster bombs sa Ukraine na ikinasawi na ng maraming mga sibilyan sa nagdaang panahon.

Ayon kay Biden, hindi naging madali ang desisyon nito at medyo natagalan din bago ito nakumbinsi na pumayag na magbigay ng nasabing mga bomba sa Ukraine.

Kumilos lamang umano siya ng naayon dahil nauubusan na ang Ukraine ng ammunition sa gitna ng nagpapatuloy na pagtatanggol ng kanilang teritoryo laban sa pwersa ng Russia.

Kayat hindi aniya nila hahayaan na mawalan ng pangdepensa ang Ukraine sa kasagsagsan ng giyera.

Ibinunyag din ni Biden na kinausap muna niya ang mga kaalyado ng Amerika kaugnay sa kaniyang desisyon bago ang nakatakdang NATO summit sa Lithuania sa susunod na linggo.

Sinabi naman ni National Security Adviser Jake Sullivan na mas ligatas ang ibibigay na cluster bombs ng Amerika sa Ukraine kumpara sa ginagamit ng Russia sa giyera.

Una na kasing ipinagbawal ng nasa mahigit 120 na mga bansa ang paggamit ng cluster bombs subalit ginagamit umano ito sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Naging kontrobersiyal ang paggamit ng cluster bombs dahil sa mataas na failure rate ng pagsabog ng naturang mga bomba na nangangahulugan aniya na ang maliliit na bomba o bomblets na pinapakawalaan sa ground o ere ay maaaring manatili sa ground sa loob ng maraming taon at maaaring sumabog kalaunan.
Top