Binigyang-diin ni former United States Vice President Joe Biden na si President Donald Trump ang dahilan kung bakit unti-unti umanong nasisira ang Estados Unidos.
Sa isinagawang presidential debate sa Health Education Campus of Case Western Reserve University, harap-harapang sinabi ni Biden kay Trump na naging mas mahina at nagkawatak-watak ang kanilang bansa sa pamumuno ni Trump.
“Under this president, we’ve become weaker, sicker, poorer, more divided and more violent,” wika ni Biden.
Tinawag din ni Biden ang Republican president bilang “Putin’s puppy” o aso ni Russian president Vladimir Putin.
Tinuligsa rin nito ang naging pahayag ng kaniyang katunggali tungkol sa umano’y pagiging talunan daw ng torpa-militar ng Amerika. \
Dito ay nagbalik-tanaw si Biden sa sakripisyo ng kaniyang anak na si Beau Biden na nagsilbi sa Iraw ngunit namatay dahil sa brain cancer noong 2015
“I don’t know Beau, I know Hunter,” paliwanag naman ni Trump. Ang tinutukoy ni Trump ay ang isa pang anak ni Biden na si Hunter na minsan nang nadawit sa isyu ng di-umano’y koneksyon nito sa isang Ukrainian gas firm.










