-- Advertisements --

Inanunsiyo ng US na nagkaroon sila ng nuclear energy deal sa Saudi Arabia.

Pinangunahan ni US Secretary of Energy Chris Wright at Saudi Minister of Energy His Royal Highness Prince Abdulaziz bin Salman ang pirmahan ng nuclear cooperation agreement.

Sinabi naman ng US Department of Energy, na kabilang sa nasabing nuclear deal ang bilateral safeguards agreement.

Dagdag pa ng US Department of Energy na ang kasunduan ay “legal foundation” para sa ilang dekadang taon at multi-bilyon dollar na partnership.

Dahil sa kasunduan ay magkakaroon ang US firms ng access sa Saudi nuclear energy programme.

Ang nasabing kasunduan ay dadalhin na sa kongreso para sa review.