-- Advertisements --
Binago na ni US President Joe Biden ang polisiya ng bansa sa marijuana.
Kasunod ito ng pag-pardon niya ng ilang libong katao na mayroong federal offenses ng simple marijuana possession.
Ipinag-utos din nito ang muling pag-aral kung paano i-classify ang nasabing droga.
Dagdag pa nito na ilang libong mga katao na mayroong federal convictions ay maaring hindi tanggapin sa trabaho, pabahay o sa paaralan.
Aabot kasi sa 40 na mga estado sa US ang nag-legalize ng paggamit ng marijuana sa anumang uri habang nananatiling iligal naman sa ibang lugar.
Magugunitang ang legalization ng marijuana ay naging pangunahing pangako nito noong tumakbo siya sa halalan.