-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nais ng Bureau of Immigration and Deportation -Cagayan de Oro District Office na mapatawan ng kaukulang displinary actions ang pito nilang kasamahan na humuli sa tatlong Chinese nationals na kulang ng koordinasyon sa pulisya at local government unit ng Cagayan deo Oro City.

Ito ang dismayadong pahayag ni BID CdeO District Office Alien Control Officer Felipe Alano Jr dahil na na-bypass umano ang kanilang tanggapan sa pagsilbi ng mission order laban sa mga banyaga na naninirahan at nagne-negosyo sa syudad na paso na ang mga dokumento.

Tinukoy ni Alano na tila ‘overkill’ ang pag-aresto ng mga suspek na sina Yang;Leo Co Bautista at Xiao Kang Ruan dahil hindi man lang binasahan kung ano ang kanilang nalabag na mga probisyon ng immigration laws at pino-posasan pa na parang nakagawa ng malaking kremin laban sa bansa.

Pag-aamin ng opisyal na sila ang nahihiya sa pinaggagawa ng kanilang mga kasamahan dahil nagdulot nang pagka-alarma sa publiko ang unang ulat na nadukot ang tatlong foreign nationals sa syudad.

Ito ang dahilan na maghahain sila ng pormal na reklamo sa tanggapang-sentral ng BID upang hindi na maulit ang ganoong eksena.

Bagamat nasa ward facility ng BID ang tatlong Chinese nationals matapos nailipad agad mula sa Mindanao kahapon.