Pangatlo ang Bicol Saro Partylist bilang best performing partylist representatives sa 19th Congress sa ilalim ng pamumuo ni Rep. Brian Raymund Yamsuan.
Ito ay batay sa latest nationwide survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) kung saan nakakuha ito ng impressive performance rating na 87.1 percent.
Lubos naman ang pasasalamat ni Rep. Yamsuan sa mga supporters nito sa pagkilala sa kaniya.
Si Yamsuan ang first nominee ng Bicol Saro, kung saan nagsisikap ito na maging boses sa Kongreso hindi lamang ng mga mamamayan ng Bicol kundi maging sa mga kapus-palad na sektor ng lipunan.
Siniguro ni Yamsuan na kaniyang ipagpapatuloy ang kaniyang mga gawain at magsisikap na maging mas mahusay sa paglilingkod publiko.
“I am deeply grateful to our supporters for this recognition. Since being named the first nominee of Bicol Saro, our partylist has been working hard to be the voice in Congress not only of the people of Bicol but of society’s underprivileged sectors. Bicol Saro, through this humble representation, will strive to be even better in serving our people, and in making good governance viral in our country,” pahayag ni Yamsuan.
Bagama’t naluklok si Yamsuan sa puwesto bilang nag-iisang kinatawan ng Bicol Saro sa Kapulungan ng mga Kinatawan noong Pebrero 22 noong nakaraang taon, nakaipon na siya ng sunud-sunod na mga tagumpay.
Si Yamsuan ang pangunahing nag-akda ng 73 panukalang batas, kung saan 24 ang naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa at isa na ang pinagtibay na batas.
Hawak naman ni Yamsuan ang dalawang House vice committee chairmanship—sa Committee on Bicol Affairs and Economic Development at sa Committee on Games and Amusements.
Si Yamsuan ay miyembro din ng mayorya sa Committees on Energy; Good Government and Public Accountability; Justice; Natural Resources; Public Information; Public Order And Safety; Suffrage And Electoral Reforms; Transportation; at West Philippine Sea.
Isinagawa ang RP-Mission’s non-commissioned Boses ng Bayan survey nuong December 27, 2023 hanggang January 5, 2024.