-- Advertisements --

Kabilang ang dating beauty queen na si Bianca Manalo sa bumati kay Senator Sherwin Gatchalian matapos na ito ay mahalal bilang bagong Senate President.

Sa social media account ni Bianca ay idinaan niya ang pagbati sa Senador.

Sinabi niya na kailangan siya ng bansa kung kaya ito ay kaniyang ipinagmamalaki.

Dahil dito ay maraming mga fans ng dalawa ang nagsabing nais ng aktres na makipagbalikan sa Senador.

Una ng nalaman ng publiko na hiwalay ang dalawa ng makapanayam ang Senador at sinabi nitong hiwalay na siya.

Nag-ugat umano ito sa aktor na si Rob Gomez kung saan kumalat ang mensahe ng dalawa.

Inakusahan si Bianca siya ang third party ng hiwalayan nina i Miss Universe Philippines 2009 Celeste Cortesi at nobyong si Jonathan Sterling.