Agad na inimplementa ng Bureau of Immigration ang desisyon ng Office of the Ombudsman matapos na ipag-utos ang dismissal sa serbisyo ng nasa 45 personnel ng burea na sangkot sa pastillas scheme.
Ayon kay Department of Justice Asec. Neal Bainto, natanggap na nila ang kumpirmasyon mula sa BI na kanilang natanggap ang naging desisyon ng Ombudsman para sa pagsibak ng mga sangkot na empleyado ng BI.
Ito ay matapos na mapag-alaman na ang naturang mga opsiyal ay administratively liable para sa grave misconduct prejudicial to the best interest of the service.
Ayon pa sa DOJ official na ang penalty para sa dismissal ay may kaakibat na perpetual disqualification mula sa paghawak sa isang posisyon sa gobyerno , kanselasyon ng eligibility, pagbabawalang makalahok sa pagsusulit para sa Civil Service examination at forfeiture ng kanilang retirement benefits.
Ang sinumang dismissed personnel na mapawalang sala sa pamamagitan ng Motion for Reconsideration o appeal ay maaaring makakuha ng kanilang payment para sa back wages at ng lahat ng benefits.