May paglilinaw ang Bureau of Immigration (BI) sa pagpapatupad ng Resolution No. 89 ng Inter Agency Task Force (IATF) na pumapayag sa re-entry ng ilang foreign nationals sa bansa.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang mga lumabas ng bansa bago ang December 17, ang petsa kung kailan naging epektibo ang resolusyon ay hindi puwedeng pumasok dito sa Pilipinas.
“Those who have left prior to December 17 are still not allowed to enter the country,” ani Morente.
Sa advisory mula kay Morente nilinaw nitong hindi lahat ng visa holder ay makakapasok ng bansa at kabilang lang sa mga papayagan ay ang mga visa holders na diplomats at dapat ay accredited sa Pilipinas.
Kabilang rito ang mga foreign embassies at International Organizations.
Sinabi naman ni Port Operations Division Chief Atty. Candy Tan na habang pinapayagan ang dalawang kategorya, ang kanila namang re-entry ay subject pa rin sa mga kondisyon na itinakda ng IATF.
Maliban sa valid at existing visa kailangan din nilang magpa-pre-book ng quarantine facility at Coronavirus disease 2019 (COVID-19) laboratory sa airport at subject pa rin ang mga ito sa maximum capacity ng inbound passengers sa port pagdating dito sa bansa.
“They must have a valid and existing visa on the date of arrival, a pre-booked quarantine facility and a COVID-19 laboratory at the airport, and they are still subject to the maximum capacity of inbound passengers at the port and date of entry,” ani Tan.