-- Advertisements --

Todo ngayon ang panawagan ng Bureau of Immigration (BI) sa mga foreign nationals na pumunta na sa mga Bureau of Immigration (BI) offices para sa annual report.

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines, aminado si BI Spokesperson Dana Sandoval na kakaunti pa lamang ang mga banyangang nagtutungo sa kanilang tanggapan para ma-update ang kanilang registration dito sa bansa.

Aniya, may mga banyaga din umanong mahilig din sa last minute ng pagrerehistro kaya nagsisiksikan.

Dahil dito, habang maaga pa raw ay dapat nang magtungo ang mga banyaga sa BI para hindi na magsiksikan sa huling araw ng annula report dahil na rin sa pagsunod ng pamahalaan sa mga protocols bunsod ng nararanasang Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Mayroong 60 days ang mga foreign at mga immigrant maging ang mga non-immigrant visas na mag-report ng personal sa bureau sa mula Enero 1 hanggang Marso 1.