-- Advertisements --

Muling nagpaalala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga banyaga na iwasang dumalo sa ano mang political activity sa bansa ngayong araw kasabay ng paggunita sa ika-34 na taon ng EDSA People Power Revolution.

Iginiit no BI Commissioner Jaime Morente na paglabag sa batas ng bansa ang pagdalo ng mga banyaga sa ano mang kilos protesta o ano mang political activity

Base na rin ito sa BI Operations Order No. SBM-2015-025 na nagbabawal sa mga banyagang sumali sa political activities dito sa Pilipinas.

Aniya, wala raw karapatan ang mga banyaga na na magsagawa o dumalo sa ano mang protesta laban sa pamahalaan dahil eksklusibo lamang ito sa mga Pinoy.

Sino mang banyagang lalahok sa mga kilos protesta ngayong araw ay huhuliin ng mga otoridad at agad silang ide-deport.

Magugunitang pina-deport noon ang Australian nun na si Sister Patricia Fox dahil sa pagsali nito sa mga political rallies dito sa bansa.