Pinagbawalan ng Bureau of Immigration ang 114 na rehistradong sex offenders na makapasok sa Pilipinas simula noong 2023.
Ginawa ni BI deputy spokesperson Melvin Mabulac ang anunsyo matapos pagbawalan ng mga awtoridad sa imigrasyon ang pagpasok ng 5 rehistradong sex offenders sa Davao, Cebu at sa Ninoy Aquino International Airport.
Aniya, sa pag-swipe nila ng passport, na-identify sila na sex offenders kaya hindi sila pinayagan makapasok sa paliparan.
Sa ilalim ng Philippine Immigration Act of 1940, sinabi ng BI na ang mga nahatulan ng isang krimen na may kinalaman sa moral turpitude, na kinabibilangan ng mga sex offenders, ay hindi karapat-dapat na makapasok sa bansa.
Una nang nangako ang nasabing kawanihan na kanilang paiigtingin ang pagbabantay at paiigtingin ang mga proseso sa immigration para maprotektahan ang mga indibidwal na lalabas at papasok ng ating ng bansa.