-- Advertisements --
image 402

Iniulat ng Bureau of Immigration ang pagkaka-aresto sa dalawang South Korean na wanted dahil sa iba’t-ibang krimen sa kanilang sariling bansa.

Sa isang pahayag sinabi ni Bureau of Immigration Commissioner Normal Tansingco na naaresto ang dalawa sa isinagawang operasyon ng Bureau’s Fugitive Search Unit sa Imus Cavite.

Kinilala ang mga naaresto na sina Bae Byungchan, 37 years old at Kim Ji Yong ,35 years old na parehong nakakulong sa Bureau of Immigration Warden Facility sa Camp Bagong Diwa , Taguig City habang hinihintay ang kanilang deportation proceedings.

Ayon kay Tansingco, i dedeport ang dalawa pabalik ng kanilang bansa kapag nakapaglabas na ang Board of Commissioners ng order para sa kanilang summary deportation.

Ilalagay narin sila sa blacklist at hindi na ito papayagang makabalik ng Pilipinas.