-- Advertisements --

Nagdadag ng tauhan ang Bureau of Immigration (BI) sa Manila International Airport sa pagsisimula ng Semana Santa.

Ayon sa BI na mayroong 155 na immigration officers ang itinalaga sa terminal 1, 2 at 3 ng Ninoy Aquino International Airport ganun din sa Clark International Airport.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tangsingco na iniutos nito ang pagdagdag ng mga kawani ng BI para matiyak na mabigyan ng sapat na serbisyon ang mga mamamayan na uuwi sa kanilang mga probinsiya.

Sa kasalukuyan ay nasa proseso na rin sila pagkuha ng 140 immigration officers na itatalaga ngayong taon sa NAIA Terminal 3 para maiwasan ang reklamong congestion.