Pinatalsik na sa pwesto ang 4 na immigration lawyer dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa pag-isyu ng pre-arranged employment (9G) visa sa mga pekeng korporasyon.
Ang 9G visa ay required sa mga foreign nationals para makapag trabaho sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval na kapag lumabas sa imbestigasyon na may direktang involvement ang mga ito sa pag i-issue ng mga visa, kaagad nila itong irerekomenda sa Department of Justice para sa kaukulang kaso at upang mabigyan ng kaparusahan.
Inihayag ito ni Sandoval ilang araw matapos sabihin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Martes na tinulungan ng BI legal department ang mga pekeng korporasyon na makakuha ng visa.
Kung matatandaan, sinabi ng Bureau of Immigration na inirekomenda nito ang pagpapalabas ng show-cause orders laban sa mga abogado at ang abolisyon ng visa task force ng Legal Division.
Samantala, sinabi ni Sandoval na noong Disyembre 2023, napag-alaman ng bureau na 459 na aplikasyon na nabigyan ng visa ang na-petisyon ng mga pekeng kumpanya. At ang mga dayuhang ito ay na-blacklist ng BI.
Sinabi rin nito na nakatuon na si Immigration Commissioner Norman Tansingco na magsumite ng report sa imbestigasyon sa DOJ sa huling bahagi ng buwan.