-- Advertisements --

Hinikayat ng Bureau of Immigrations ang mga pasahero na galing sa ibang bansa na gumamit ng electronic gates (E-Gates)na matatagpuan sa mga airport terminals.

Sa ganitong paraan ay mapapabilis ang pagproseso sa mga pasahero na dati ay 45 segundo ay magiging walong segundo na lamang.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco na sa huling araw ng Oktubre ay mayroong 32, 045 na pasahero ang dumating subalit 5,210 lamang ang gumamit ng E-Gates.

Inaasahan din nila na sa susunod na mga araw ay tataas pa ang bilang ng mga paparating na pasahero sa bansa.