-- Advertisements --
OFW OFWS AIRPORT NAIA PCG COVID STRANDED ARRIVALS

Lalo pang hinigpitan ng Bureau of Immigration (BI) ang pagbabantay sa mga paliparan matapos maharang ang tatlong pasaherong mayroong travel history sa mga bansang mayroon nang bagong variant ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay BI Spokesperson Dana Sandoval, sinabi nitong agad namang nilang pinabalik sa kanilang point of origin ang naturang mga pasahero ay hindi na pinapasok dito sa bansa.

Dagdag niya, lahat daw ng mga paparating na mga biyaherong galing sa 20 bansa na mayroong bagong strain ng sakit ay hindi pa papababain sa kanilang mga sinakyang eroplano at agad silang pababalikin gamit din ang parehong flight.

Kaugnay nito, makikipag-ugnayan din umano ang BI sa Bureau of Quarantine (BoQ) para malaman kung mayroon na bang mga Pilipinong nakapasok sa bans ang mayroong sintomas ng nakamamatay na sakit.

Kung maalala nagpatupad na ang bansa ng travel ban sa mga pasaherong galing mula sa 20 bansa na mayroon nang bagong variant ng COVID-19 virus.

Ang naturang ban ay epektibo na noong Disyembre 30 noong nakaraang taon at magtaapos sa Enero 15 ngayong taon.

Kabilang dito ang mga bansang UK, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada at Spain.