Muling ipagpapatuloy bukas ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang trabaho matapos ang pagsuspindi ng mga trabaho dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) disinfection.
Pinalawig kasi ng BI hanggang ngayong araw ang pagsasagawa ng disinfection para mapigilan ang pagkalat ng covid sa kanilang gusali.
Sa abiso na inilabas ni BI Commissioner Jaime Morente ang pagsasara ay para maiwasan din ang intermittent delivery ng serbisyo sa publiko at nais din nilang siguruin na ligtas ang kanilang mga empleyado sa kanilang workplace.
Kasunod nito, nagpaalala naman si Morente sa mga nagpa-book ng online appointments para ma-secure ang kanilang schedule kapag bubuksan na ang kanilang opisina.
Hiniling din idot sa publiko na makikipag-transaksiyon sa BI na maging updated sa mga announcements at advisories sa pamamgitan ng pagbisita sa kanilang website na www.immigration.gov.ph at sa kanilang social media accounts.
Mananatli naman ang skeletal workforce sa ilang opisina ng BI sa kanilang main building partikular ang mga opisinang nagbibigay ng general at support services na kritikal sa operasyon ng agency.