-- Advertisements --
Hinarang ng Bureau of Immigration (BI) officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang puganteng Chinese na suspek sa economic crimes sa Beijing, China.
Ayon kay BI-Interpol Chief Atty. Rommel Tacorda, ang suspek ay kinilalang si Wu Chuqui, 42.
Agad itong hinuli sa NAIA Terminal 3 matapos lumapag ang sinasakyang Cathay Pacific mula Hongkong.
Sinabi ni Tacorda na nasa red notice list of wanted fugitives ng Interpol ang banyaga kayat agad itong pinabalik sa Hongkong at dito naman siya inaresto ng Chinese authorities.
Ang banyaga ay wanted sa kasong money laundering matapos masangkot sa illegal business operation.
Subject din ito ng arrest warrant na inisyu ng Public Security Bureau sa Shenzhen, Shantou, China noong Oktubre 2018.