-- Advertisements --

Naglunsad ang BFP ng dalawang search and rescue operation hilagang bahagi ng Pilipinas na mga lalawigan ng Benguet at Nueva Vizcaya dahil sa epekto ng Bagyong Egay sa mga nasabing lugar.

Sinabi ng BFP na sa bayan ng Solano sa Nueva Vizcaya, tatlong indibidwal ang matagumpay na nailigtas matapos maipit sa ilalim ng kanilang bahay dahil sa natumbang puno.

Ang napapanahong pagtugon at special equipments ang sinasabing dahilan sa likod ng matagumpay na operasyon.

Ayon sa BFP, ang active clearing operation ay may bisa sa Burnham Park, Baguio City at isang search and rescue operation sa munisipyo ng Buguias bilang tugon sa insidente ng pagguho ng lupa na kinasasangkutan ng isang residential building.

Dagdag dito, ang pagkakaroon ng mga natumbang puno, mga kalsadang napinsala, at mga nasirang istruktura ay nakahadlang sa paggalaw, serbisyo at tulong ng BFP sa mga nangangailangan.

Una nang nangako ang nasabing search and rescue team na kanilang gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang tumugon sa epekto ng kalamidad.