Naglaan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng humigit-kumulang 2 milyong fingerlings sa mga mangingisda sa rehiyon na naapektuhan ng mga nagdaang Bagyong Egay at Falcon.
Sinabi ni BFAR-3 Regional Director Wilfredo Cruz na ang mga fingerlings ay handa na para sa pamamahagi kasunod ng assessment na ginawa kung gaano kalaki ang pinsalang dulot ng sama ng panahon sa sektor ng pangisdaan.
Aniya, ang pamamahagi nito ay partikular sa mga probinsya ng Pampanga at Bulacan na lubhang naapektuhan ng mga bagyo.
Batay sa validated reports mula sa iba’t ibang munisipalidad sa rehiyon, ang kabuuang halaga ng pinsala sa sektor ng pangisdaan ay mahigit P500 milyon, na nakaapekto sa humigit-kumulang 5,000 na mga mangingisda.
Sinabi rin ng opisyal ng BFAR na nakagawa na ng panukala para sa quick response fund para sa rehabilitasyon at pagbawi sa mga pagkalugi sa sektor ng pangisdaan sa mga naapektuhan ng nagdaang mga sama ng panahon.
Binanggit ni Cruz na ang DA, sa pamamagitan ng BFAR, ay patuloy na nagbibigay ng tulong sa sektor ng pangisdaan hindi lamang sa panahon ng kalamidad.