-- Advertisements --

Nais ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na magpatupad pa rin ng pagbabawal ng pangisda sa mga lugar na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Base kasi sa ginawang water sampling ng BFAR, na mayroon presensiya ng langis at grasa na hindi pumasa sa nakasaad sa Department of the Environment and Natural Resources (DENR) under Administrative Order 2016-08.

Ilang mga bayan na ito ay kinabibilangan ng Bansud, Bongabong, Bulalacao, Calapan, Gloria, Mansalay, Naujan, Pinamalayan, Pola, at Roxas sa Oriental Mindoro and Caluya sa Antique.

Nananatili pa ring hindi ligtas ang mga isda sa nasabing lugar base na rin sa isinagawa nilang sampling.