-- Advertisements --
red tide tahong sea shells

Nagbabala ang pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa mga residente ng Visayas ukol sa mga binibiling mga pagkaing-dagat.

Ito ay kasunod na rin ng pagpositibo sa red tide ng mga samples na nakuha sa mga karagatang sakop ng Western Visayas(R06).

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:

1. Saplan Bay, bayan ng Pilar, President Roxas, at Roxas City sa Capiz
2. Mambuquiao, Camanci, Batan sa Aklan
3. Coastal waters ng Panay
4. Gigantes Islands, Carles sa Iloilo;
5. Coastal waters ng Altavas, Batan, at New Washington in Batan Bay, Aklan.

Natukoy ang mga nasabing lugar bilang positibo sa red tide kayat ipinagbabawal pansamantala ang pangunguha at pagkain ng lahat ng uri ng mga seashell at alamang.

Gayunpaman, maaari pa ring manghuli at kumain ng mga isda, pusit, hipon, at mga alimango, bastat linisin lamang ng maayos ang mga ito.