Masayang inanunsiyo ni Beyonce ang pagpirma niya ng kontrata sa kumpanyang Adidas para maging endorser.

Isang tinatawag na “multi-layered” deal ang pinirmahan ng singer at ang nabanggit na sikat na clothing brand.

Bilang bahagi rin ng kasunduan ay magiging creative partner ang singer.

Posibleng magkaroon rin ng relaunch ang clothing brand ni Beyonce na Ivy Park.

Beyoncé/ IG post

Magugunitang noong 2016 ay inilunsad ni Beyonce ang kaniyang active wear na Ivy Park isang collaboration ng Topshop.

Hindi na bago ang pagkuha ng mga kumpanya ng sapatos sa mga artista at singer dahil ang kumpanyang Puma ay kinuha si Rihanna noong 2014 at ang Reebok ay kinuha si Kendrick Lamar.