Hinikayat ni Beyonce ang mga black communities na bumuto sa paparating na US Elections parea tuluyang magkaroon ng pagbabago at mawala na ang racist at unequal system.

Isinagawa nito ang panawagan sa naging talumpati niya ng tanggapin niya ang pagkilala sa BET award.

Dagdag pa nito na dapat bumuto ang mga ito na parang dito na nakadepende ang kanilang buhay.

Kinilala kasi ngayong taon ng BET Awards ang mga black artists at sports personalities.

Nabigyan ng atensiyon ngayong taon sa BET Awards ang pagkasawi nina George Floyds at Breonna Taylor ganun ang mga nagaganap na Black Lives Matter protest.

Nabigyan kasi ito ng pagkilala dahil sa kanilang humanitarian work.

Ilan sa mga nabigyan noon ng pagkilala ng BET Awards dahil sa humanitarian work ay sina boxer Muhammad Ali, music producer Quincy Jones at civil rights leader Rev. Al Sharpton.