-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si OPM veteran singer Ray-An Fuentes at ang pamilya nito.

Sinabi nito na maliban sa panganay na anak nito ay nagpositibo sila lahat.

Isinagawa aniya ang COVID-19 test noong Nobyembre 27.

Bilang isa ng pastor ay nagpost ito ng dasal sa kaniyang social media para sa kaniyang asawa.

Dinala na rin ito sa critical care unit kung saan naka-oxygen tank na nito at binigyan ng antibiotics at steroids ganun din ang insulin shots.

Nakilala si Fuentes sa kantang “Umagang Kay Ganda” kasama si Tillie Moreno.

Taong 1997 ng umalis ito sa showbiz at nanirahan na sila ng pamilya sa Canada.