-- Advertisements --
cropped DICT 1 3

Isa sa mga tinutugis ngayon ng Department of Information and Communications Technology ay ang murang bentahan ng mga made in China na text blaster machines sa bansa na dati nang ginamit noong panahon ng halalaan.

Sa gitna ito ng pamamayagpag ng mga online scam at text spam sa bansa sa kabila ng pagtatapos ng SIM registration sa bansa na layunin sanang tuluyan nang masawata ang naturang mga panloloko sa Pilipinas.

Ayon kay DICT Usec. Alex Ramos, ang naturang mga text blaster machines kasi ay ang ginagamit ngayon ng mga sindikato na kanilang nabibili sa mas murang halaga at ginagamit sa pagpapakalat ng mga random text messages.

Aniya, sa katunayan ay marami-raming na ring mga text blast machine na rin na gawa sa China ang kanilang nakumpiska.

Samantala, sa ngayon ay sinisiyasat na ng DICT ang iba’t-ibang mga methodologies, partikular na ang mga computer-based transmissions na karaniwang ginagamit ngayon ng mga sindikato para sa text scams.