-- Advertisements --

Naka-monitor na ang Department of Agriculture (DA) sa napaulat na bentahan ng mga jumbo o mga malalaking imported na sibuyas sa ilang pamilihan.

Ayon kay DA Spokesperson Asec. Kristine Evangelista, wala pa silang natatanggap na impormasyon mula sa Bureau of Plant Industry na may dumating na sa bansa mula sa pinahintulutang higit 5,000 toneladang imported na sibuyas.

Kaya naman, pinag-iingat nito ang publiko sa pagbili ng mga nakikita ngayong imported na jumbo sibuyas sa palengke dahil maaaring smuggled ito at hindi dumaan sa phytosanitary inspection.

Ayon naman kay Asec. Rex Estoperez, ongoing na ang operasyon ng DA Inspectorate and Enforcement para kumpiskahin ang mga smuggled na sibuyas.

Katunayan, may nasabat na aniya na mga smuggled na sibuyas sa Divisoria kamakailan.

Inaasahan naman ng DA na dumating na rin ang unang shipment ng mga imported na sibuyas ngayong linggo nang bumaba na ang bentahan nito sa palengke.