-- Advertisements --
Balik-Pilipinas na ang grupong Filipino pop rock band na Ben&Ben matapos ang matagumpay na concerts nila sa US at Canada.
Unang sabak ng 9 member band ay sa isang mall sa Quezon City kasama ang ilang artista.
Ayon sa banda na magkakaroon muna sila ng iba’t-ibang gig bago ang kanilang major concert sa darating na Disyembre 18.
Magugunitang hindi natuloy ang send-off concert ng banda noong nakaraang mga buwan dahil sa pananalasa ng bagyong Henry.