-- Advertisements --
Tinawag na iligal ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang napaulat na “no vaccine, no work” policy ng ilang business establishments sa bansa.
Nilinaw ni Bello na hindi maaring pilitin ang mga manggagawa na magpaturok ng COVID-19 vaccine kung ayaw ng mga ito.
Ang “no vaccine, no work” policy na ito ay maituturing din aniya bilang uri ng “discrimination.”
Bukod dito, tinukoy din ng kalihim na hindi pa sapat ang supply sa COVID-19 vaccines ng bansa para mabakunahan ang mga manggagawang Pilipino.
Nauna anng sinabi ni Associated Labor Union na may natatanggap silang reklamo hinggil sa “no vaccine, no work” policy mula sa mga manggagawa sa agriculture, manufacturing at services sector.