-- Advertisements --

Nagpahayag si Belarusian President Alexander Lukashenko na handa nilang kupkupin ang Wagner troops sa kanilang bansa.

Kasunod ito sa pag-exile ng nasabing grupo matapos ang ginawa nilang pag-aklas sa Russia.

Sinabi ng Belarus President na ilalagay nila ang mga sundalo ng Wagner sa abandonadong military base sa kanilang bansa.

Paglilinaw nito na walang plano ang kaniyang gobyerno na mag-recruit pa ng mga miyembro ng Wagner.

Magugunitang naging susi si Lukashenko para mapigilan ang rebelyon na inilunsad ng Wagner fighter sa Russia na pinangunahan ng kanilang leader na si Yevgeny Prigozhin.