-- Advertisements --

Pormal ng nanumpa sa kaniyang ikaanim na termino si Belarus President Alexander Lukashenko.

Ilang daang katao ang dumalo sa inauguration na ginanap sa Palace of Independence sa central Minsk.

Biglaan itong isinagawa at para maiwasan ang paglusob ng mga protesters.

Magugunitang kinukuwestiyon ng mga oposisyon ang pagkapanalo ni Lukashenko noong nakaraang buwan na nagresulta sa malawakang kilos protesta.