-- Advertisements --

Dinagdagan ng Belarus ang kanilang puwersa sa border nila ng Ukraine.

Ito ay dahil sa pinaigting ng US at mga kaalyado nitong bansa ang kanilang presensiya sa lugar.

Ayon kay Chief of the General Staff of the Armed Forces Viktor Gulevich na ang pagdagdag nila ng puwersa sa lugar ay para matiyak ang seguridad sa Belarus.

Ang mga special operations forces ay inilagay sa tatlong tactical directions.

Naglagay din aniya ng mahigit 20,000 na sundalo ang Ukraine sa border nila ng Belarus.