-- Advertisements --
Tinambakan ng San Miguel Beermen Magnolia Hotshots 109-85 para makuha ang 2-0 na kalamangan sa PBA Commissioner’s Cup Finals.
Bumida sa panalo si Bennie Boatwright Jr na nagtala ng 34 points habang si CJ Perez ay may 20 points habang mayroong 19 points at 14 rebounds si June Mar Fajardo, 11 points si Marcio Lassiter at 10 points si Jericho Cruz.
Sa simula pa lamang ay dominado ng Beermen ang laro at hindi pinalamang ang Magnolia.
Ito na ang 11 na sunod na panalo ng Beermen katumbas ng kanilang franchise record sa ikatlong pagkakataon.