-- Advertisements --

Tinalo ng San Miguel Beermen ang Northport 145-132 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Bumida sa panalo ng Beermen si Cameron Clark na nagtala ng 44 points habang mayroong 29 points si June Mar Fajardo at 24 points naman ang naitala ni CJ Perez.

Nagulat at natuwa naman si Beermen coach Jorge Gallent matapos na nagtala ng kabuuang 46 assists ang kaniyang koponan.

Sinabi nito na nasunod ang bilin nito sa mga manlalaro na dapat ay ibahagi sa bawat isa ang bola para sila ay manalo.

Nasayang naman ang nagawang 39 points ni Kevin Murphy at 32 points na nagawa ni Arvin Tolentino para sa NorthPort