-- Advertisements --

Nananatiling walang talo pa rin ang San Miguel Beermen matapos talunin ang NLEX 120-103 sa nagpapatuloy na 48th PBA Philippine Cup sa Philsport Arena nitong Linggo.

Dahil dito ay mayroon pang dalawang laro ang Beermen para makuha ang kakaibang elimination round sweep.

Bumida sa panalo ng Beermen si CJ Perez na mayroong 30 points at siyam na rebounds habang mayroong 20 points at 21 rebounds si June Mar Fajardo.

Hawak na rin ng Beermen ang number 1 spot at twice-to-beat advantage sa quarterfinals dahil sa 9-0 na bentahe.

Ayon kay San Miguel coach Jorge Gallent na hindi malabong makuha nila ang record na ma-sweep ang 11 panalo basta hindi magbabago ang pagka-agresibo ng mga kaniyang manlalaro.