-- Advertisements --
Pinahiya ng San Miguel Beermen ang Phoenix Fuel Masters 116-102 sa nagpapatuloy na 2024 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.
Bumida sa panalo si CJ Perez na nagtala ng 32 points, limang assists at apat na rebounds.
Nag-ambag naman ng 17 points si Jericho Cruz, 16 points naman si Terrence Romeo, 13 points si June Mar Fajardo at 10 points ang naitala ni Don Trollano.
Mula sa simula ay hawak ng Beermen ang kalamangan at hindi nakalamang man lang ang Phoenix.