-- Advertisements --

Pasok na sa finals ng 2022 PBA Philippine Cup ang San Miguel Beermen matapos ilampaso ang Meralco Bolts 100-89.

Mula sa simula ay hawak ng Beermen ang kalamangan sa kanilang game 7 ng semifinals na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Nagtala ng 29 points si June Mar Fajardo habang mayroong 18 points si CJ Perez, 16 points naman kay Marcio Lassiter at 13 points kay Vic Manuel.

Sinabi ni Beermen coach Leo Austria na gumana ang ginawa nilang pagbabantay sa mga rebounds at transition plays ng Bolts.

Dahil dito ay makakaharap ng Beermen ang TNT Tropang Texters sa finals na magsisimula sa araw ng Linggo Agosto 21.