-- Advertisements --

Pasok na sa Finals ng PBA Commissioner’s Cup ang San Miguel Beermen matapos ma-sweep 3-0 ang best of five semifinals nila ng Barangay Ginebra 94-91.

Nanguna sa panalo ng Beermen ang kanilang import na si Bennie Boatwright Jr na mayroong 26 points, 13 rebounds at dalawang blocks at mayroong 17 points naman si Jerciho Cruz.

Itinuturing ni Beermen head coach Jorge Gallent na naging sulit ang pagsisikap nila sa off-season para makapasok sa kanilang ika-44 finals appearance.

Nasayang naman ang 25 points at walong rebounds na nagawa ni Tony Bishop.