-- Advertisements --

Naitala ng San Miguel Beermen ang kanilang ikawalang panalo laban sa Terrafirma 121-103 sa 2022-23 PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Philsports Arena.

Nanguna sa panalo ng Beermen si Jericho Cruz na nagtala ng 25 points habang mayroong 21 points, 19 rebounds at 11 assists si Devon Scott.

Ito ring ang unang laro ni June Mar Fajardo matapos na magpagaling dahil sa injury kung saan nagtala siya ng 20 points at siyam na rebounds habang hindi naglaro si Terrence Romeo.

Sinamantala ng Beermen ang kakulangan ng mga manlalaro ng Terrafirma kung saan hindi naglaro ang import na si Lester Prosper at Alex Cabagnot.

Pinayuhan ni Beermen assistant coach Jorge Gallent ang kaniyang manlalaro na huwag maliitin ang Terrafirma dahil sa kawalan ng mga manlalaro gaya nina Prosper at Cabagnot.

Nasayang ang nagawang 28 points ni Juami Tiongson at 16 points ni Javi Gomez.

Dahil sa panalo ay mayroon ng limang panalo at limang talo ang Beermen habang ang Dyip ay mayroong isang panalo at 10 talo.