-- Advertisements --
Napigilan ng San Miguel Beermen ang Bay Area Dragons para makapasok sa finals.
Nakuha ng Beermen ang panalo sa Game 3 ng best-of-five semifinals ng PBA Commisisoner’s Cup sa score na 98-96.
Nanguna sa panalo ng Beermen si June Mar Fajardo na nagtala ng 21 points at 16 rebounds habang ang import nila na si Devon Scott ay mayroong 25 points.
Bumida sa huling 10 segundo si Simon Enciso kung saan naipasok niya ang layup para makuha ang kalamangan at maipanalo ang laban.
Inamin ni Beermen coach Leo Austria na nahirapan sila sa nasabing laban.