-- Advertisements --

Nananatiling wala pa ring talo ang San Miguel Beermen sa PBA 48th Season Philippine Cup.

Nitong gabi ng Biyernes ay hindi nila pinaporma ang Barangay Ginebra 95-92 sa laro na ginanap sa Smart Araneta.

Nanguna sa panalo ng Beermen si CJ Perez na mayroong 18 points habang mayroong 15 points si Don Trollano at 14 points naman si June Mar Fajardo.

Mayroon ng apat na panalo at walang talo ang Beermen habang ang Ginebra ay mayroong tatlong panalo at dalawang talo.

Nasayang naman ang nagawang 17 points ni Japeth Aguilar para sa Ginebra.