-- Advertisements --

Nakuha ng San Miguel Beermen ang unang panalo sa best of seven finals nila ng Magnolia Hot Shots 103-95 sa PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Sa unang dalawang quarter ay hawak ng Magnolia ang kalamanga hanggang nagsagawa ng adjustment si Beermen coach Jorge Gallent.

Umabot pa sa 20 points ang naging kalamangan ng Beermen sa last quarter hanggang napababa ito ng Hotshots.

Bumida sa panalo ng Beermen si Bennie Boatwright na nagtala ng 28 points, 16 rebounds, dalawang assists, dalawang blocks at steal habang si June Mar Fajardo ay mayroong 11 points, 11 rebounds, limang assist at dalawang blocks.