-- Advertisements --

Nangailangan pa ng overtime ang San Miguel Beermen para talunin ang Blackwater 90-88 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup elimination round.

Hawak pa ng Blackwater ang kalamangan 88-84 sa natitirang halos tatlong minuto ng overtime hanggang mahabol ito ng Beermen at maipanalo ang laro.

Bumida sa panalo ng Beermen si Mo Tautuaa na nagtala ng 26 points at 14 rebounds habang mayroong 9 point at 13 rebounds si Arwind Santos.

Dahil sa panalo ay mayroon ng limang panalo at dalawang talo ang Beermen habang ang Blackwater ay mayroong dalawang panalo at apat na talo.